Ang Aklatang Balmaseda ay isang espesyal na aklatan na tumutugon sa mandato ng KWF hinggil sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Nangangalaga itรณ ng mga aklat pangwika, pangkultura, pampanitikan, at iba pang mahalagang koleksiyong
Filipiniana. Ipinangalan itรณ sa dating direktor ng Institute of National Language (INL) na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) mulang 1938 hanggang 1947 na si Julian Cruz Balmaseda, bรญlang pagkilala at pagtanaw sa kaniyang mga nagawa at naiambag sa larang ng Filipino.
Itรณ ay may mahigit 5000 printed koleksiyon, kasama rito ang Koleksiyong Balmaseda, Koleksiyong Villanueva, Aklat ng Bayan, mga sanggunian, at iba pa. Maaari ding maakses ang mahigit 700 e-books onlayn sa library.kwf.gov.ph.
Matatagpuan itรณ sa BFB Building, 1575 JP Laurel St., Cor. Matienza, Brgy. 640, Malacaรฑang Complex, San Miguel, 1005 Manila.
Maaaring bumisita at manaliksik mulang LunesโHuwebes, 8:00 nu โ 5:00 nh. Lunes Biyernes ang onlayn na serbisyo nitรณ sa kaparehong oras. Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa https://library.kwf.gov.ph/
####